Ibinahagi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang nangyari sa ilang silid-aralan na ginawang evacuation centers ng ilang residente noong nanalasa ang bagyong ‘Paeng’.

Makikita sa mga larawan ang nagkalat na basura at sirang blackboard.

Ikinalungkot naman ito ni Mayor Biazon.

“Sa kasagsagan ng bagyo, binisita ko pa yang evacuation site at kinamusta ang mga nagkubli doon.”

“Sa totoo lang, iniiwasan natin na gamitin ang mga eskwelahan bilang evacuation site dahil sa karanasan, nagiging hadlang ito sa pag-aaral ng mga bata dahil minsan ay hindi agad naki-clear ang mga classroom matapos ang kalamidad.”

“Ngunit ano ang naging kapalit nito? Ang pagsira ng mag pasilidad at walang pakialam na iniwang nakakalat ang basura sa paaralan. Bakit ganyan ang nangyari? Bakit parang walang malasakit sa kagamitang pampubliko ang mga taong binigyan ng kalinga sa harap ng kalamidad?” ayon sa Facebook post ni Mayor Biazon. (CS)

The post Paaralan na ginawang evacuation site, sinira at binaboy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT