Paaralan sa Taguig binulabog ng bomb threat

Kanselado ngayon ang pasok ng Em’s at Signal Village National High School sa Taguig matapos ang komento ng isang Facebook account na nagbabantang papasabugin ang nasabing paaralan.

Makikita sa video na ibinahagi ng isang netizen na may mga sasakyan na ng mga awtoridad ang patungo sa nasabing paaralan.

“This video is forward samin GC now Lang po nag cancel ang taga signal village Taguig sa school wag naman Sana magiingat po Tayo taguigenio 😔😔🙏 sino Kaya Yang Sofia Smith dios KO 😔 NASA picture ung nagbabanta si Sofia Smith wag nmn Sana mandamay 😔” saad sa caption ni Tonecess Maratoph Gucela.

Facebook

(CS)

META: Kinansela ang pasok sa dalawang paaralan sa Taguig matapos makatanggap ng bomb threat.

(CS)

The post Paaralan sa Taguig binulabog ng bomb threat first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT