Ikinabahala ng isang solon ang pagkonti ng pang-export na saging ng Pilipinas.

Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee mula sa pagsusuplay ng 90% ng saging na mula sa Asya noong 2020 bumagsak ito sa 60% noong 2021.

“Our Banana industry is a low-hanging fruit that needs to be picked up and provided with enough support from the government,” sabi ni Lee na may-akda ng House Bill 6300 na naglalayong matutukan ang produksyon ng saging.

Batay sa datos ng Food and Agriculture Organization ng United Nation, mula sa 3.8 milyong metriko tonelada noong 2020, ang naisuplay na saging ng Pilipinas sa ibang bansa noong 2021 ay umabot lamang sa 2.4 milyong metriko tonelada.

“Undeniably, the Banana industry contributes significantly to our national economy and serves as an important source of income for a big population of Filipino farmers,” dagdag pa ni Lee.

Sa ilalim ng panukala, gagawa ng 10-year framework ang itatayong Banana Research Export Promotion Council (BREPC) sa tulong ng Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), State Universities and Colleges (SUCs) at iba pang stakeholder sa banana industry para maparami ang suplay ng saging na may kalidad na pang-export. (Billy Begas)

The post Pang-export na saging ng PH kumonti first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT