Inaprubahan ng House Special Committee on Food Security ang konsolidasyon ng mga panukala upang mabawasan ang pag-aksaya sa pagkain sa pamamagitan ng pagpapaigting ng food donation at food waste recycling.

Sa pagdinig ngayong Lunes, inatasan ng chairperson ng komite na si Nueva Vizcaya Luisa Cuaresma ang secretariat na balangkasin ang consolidated version ng walong panukala na tatalakayin sa susunod na pagdinig.

Layunin ng mga panukala na bawasan ang nasasayang na pagkain sa bansa at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom. (Billy Begas)

The post Panukalang bawasan nasasayang na pagkain pinaplantsa sa Kamara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT