Inaprubahan ng House Committee on Justice ang panukala na magbibigay ng Philippine citizenship kay Justin Donta Brownlee.

Sinadyang bumisita ni Brownlee sa Kamara de Representantes upang magpasalamat sa komite sa pag-apruba sa House Bill 825 na akda ni 1-PACMAN party-list Rep. Mikee Romero.

Sa kaniyang sponsorship speech, binanggit ni Romero ang kahalagahan ni Brownlee sa mga tagumpay ng Barangay Ginebra San Miguel basketball team.

“Throughout Mr. Brownlee’s very decorated and illustrious career in the PBA, he was able to attain five PBA championships and two Best Import awards with the career averages of 28.9 points per game, 12 rebounds per game, 5.6 assists per game, 1.9 steals per game, and 1.7 blocks per game. He is also the first PBA import to record 400+ 3 pointers made and ranks 1st among PBA imports for 3 points made with 404 as of July 24, 2022. Lastly, he ranks as fifth in the all-time PBA imports scoring leaders with 4,539 points as of April 2022,” sabi ni Romero.

Ayon sa solon, mula pa noong 2018 ay ninais na umano n Brownlee na maging permanenteng tahanan ang Pilipinas at nagpahayag ng kaniyang kahandaan na kumatawan sa bansa sa mga international basketball competition bilang miyembro ng Gilas Pilipinas men’s basketball team.

Sinabi ni Romero na si Brownlee ay magiging isang “dependable ally” ng Gilas sa paparating na FIBA World Cup Asian Qualifiers at sa FIBA World Cup sa susunod na taon.

Walang tumutol sa mga ahensya ng gobyerno na dumalo sa pagdinig at sinuportahan ng iba pang kongresista ang panukala. (Billy Begas)

The post Panukalang naturalization ni Brownlee umusad na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT