Ipinagkibit-balikat lang ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang tsismis na bababa na siya sa puwesto at papalitan ni Rep. Joey Salceda.

“I don’t know where this is coming from… I’m old enough in this game to even bother about this. I just work nonstop unceasingly to do my job. And I always think of what’s the greatest good for the greatest number,” pahayag ni Diokno sa isang ambush interview.

Dagdag niya, nananatili ang magandang samahan nila ni Pangulong Bongbong Marcos, na siyang nagtalaga sa kanya noong Marso. Kaibigan din daw niya si Salceda.

Nauna nang pinabulaanan ni Salceda ang report na napipisil siyang ipalit kay Diokno.

Aniya, “pointless speculation” lamang ito. (IS)

The post Papalitan na bilang Finance chief? Diokno pumalag first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT