Viral ang isang pasahero matapos itong mahuling nanonood ng malaswang pelikula habang nasa loob ng pampasaherong van.
Ibinahagi ni Trisha Marie Martinez sa Facebook ang ilang larawan ng lalaking pasahero habang nanonood ng malaswang pelikula sa cellphone nito.
Sabi ni Martinez, hindi lang siya ang nakakita sa ginawa ng lalaki kundi pati ang iba pang pasahero na nasa likod nito.
Tila wala namang pakialam ang lalaki kahit nakikita ng iba ang panonood niya.
“Kuya nasa likod mo po ako sa bahay nyo nlng kayo manuod pagod po ako today
,” caption ni Martinez.
“Kuya awat na ,” dagdag niya. (IS)
The post Pasahero huli sa panonood ng porn first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento