Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paiigtingin ng gobyerno ang strategic partnership sa gobyerno ng Japan para sa kapakinabangan ng dalawang bansa.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo sa courtesy call sa kaniya ni Dr. Mori Masafumi at Special Advisor to Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Sinabi ng Pangulo na nais nitong paigitingin ang kooperasyon at pagtutulungan sa Japan sa usapin ng climate change, maritime security, isyu sa West philippine Sea, agriculture, food security at infrastructure development.

Mananatili umanong solido ang partnership ng Pilipinas at Japan para mapaigting pa ang ugnayan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

“Japan is and will remain a solid and steadfast partner of the Philippines. I look forward to work closely with Prime Minister Kishida in building an even stronger strategic partnership with your country,” saad ng Pangulo.

Positibo naman ang naging tugon ni Masafumi sa Pangulo at muling tiniyak ang commitment at kumpiyansa ng kanilang gobyerno sa Marcos administration lalo na sa kooperasyon sa infrastructure development.

Muli ring ipinaabot ng Japanese official sa Pangulo ang imbitasyon para sa state visit sa Japan.

Si Masafumi ay kasalukuyang dumadalo sa 13th high-level joint committee meeting on infrastructure development and economic cooperation sa bansa. (Aileen Taliping)

The post PBBM: Partnership sa Japan mas paiigtingin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT