Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sektor na dapat pa rin na magsuot ng face mask kahit boluntaryo na lamang ang pagsusuot nito sa loob at labas ng mga pampublikong lugar.

Sinabi ng Pangulo na bagama’t inilabas na ang Executive Order no.7 o ang boluntaryong pagsusuot ng face mask, mahalaga pa rin na magsuot ang sektor na hindi kasama sa mga pinayagang mag-alis na nito.

Kabilang dito ang mga buntis, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities o malubhang karamdaman at mga mayroong nararamdamang sintomas ng COVID-19.

“Pinapaalalahanan pa rin nating magsuot ng face masks ang mga buntis,matatanda at mga may karamdaman maging ang mga indibidwal na may nararamdamang sintomas,” saad ng Pangulo.

Kabilang sa mga lugar na hindi kasali sa EO no. 7 ay healthcare facilities gaya ng mga hospital, clinics, laboratoryo, nursing homes at dialysis clinics, mga nasa loob ng ambulansya, paramedic at rescue vehicles.

Kinakailangan pa rin na magsuot ng face mask at sumunod sa minimum health standards sa mga pampublikong transportasyon gaya ng bus, jeeps, eroplano at sa mga barko. (Aileen Taliping)

The post PBBM pinag-iingat pa rin ang mga sektor na dapat magsuot ng face mask first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT