Ipinaubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang

ang paglilinis at pagreporma sa New Bilibid Prison.

Sa harap ito ng mga nadiskubre at nakumpiskang kontrabando at mga bagay na hindi dapat makita sa mga preso sa loob ng pambansang piitan.

Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nitong hindi na kailangang utusan si Catapang dahil alam nito kung ang mga dapat gawin kaya bahala siyang ayusin at itama ang mga sistema sa NBP.

“They know their jobs. They don’t need for me to tell — teach them their job. But I said, you look into this because how did — what I’m — I want to know is how did it come to this? Paano tayo nagkaganito?,” anang Pangulo.

Dapat aniyang malaman kung paano nakapasok sa loob ng NBP ang napakaraming alak at electronic gadgets na hindi pinapayagan sa mga persons deprived of liberty.

“In terms of investigating, alam na nila ‘yung gagawin nila. But we have to look bakit and see what happened here? Bakit nagkaganito? What went on inside the prison that this is — that this happened? ,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na maraming reklamo laban sa suspendidong Bucor Chief kaya dapat maimbestigahan kung ano ang posibleng liability nito sa mga nangyayari sa loob ng pambansang piitan pati na ang mga posibleng kasabwat para makapasok ang mga kontrabando.

“Then we’re… Maraming complaint kontra sa kanya. Ano ba ‘yun? What were those about? And maybe they were part of this? We just have to find out more,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post PBBM pinaubaya na kay Catapang paglinis sa Bilibid first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT