Itinanggi ng isang opisyal mula sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pag-aresto kay dating Manila congressman na si Harry Angping dahil sa umano’y naganap na ‘sexual harassment’ sa isang hotel staff na sangkot ang dating kongresista sa Marriott Marquis Queens Hotel sa Bangkok, Thailand.

Si Harry Angping ay dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) mula 2009 hanggang 2010. Bukod sa pagiging PSC chairman ay nagtagal si Angping sa isa pang pwesto bilang Manila representative, mula 1998 hanggang 2004.

Ang asawa ni Angping ay si Presidential Management Staff Secretary Zenaida Angping.

The post PCOO itinanggi ang pag-aresto sa isang dating kongresista sa Bangkok first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT