Dumating pasado alas-siyete nitong Miyerkules ng gabi ang sinasabing person of interest sa pagpatay kay Percy Lapid, sakay ng Cebu Pacific flight 5J-640 mula sa Puerto Princesa, Palawan.

Guwardiyado ng naka-full battle gear na mga operatiba ng NBI, at muntik pang magkagirian ang mga NBI at aviation police, dahil sa pagkaalarma nito at wala umanong ginawang koordinasyon ang NBI sa airport security.

Sabi ni P/Col. Cesar Gerente ng PNP Aviation Security group-NCR, naalarma sila kaya nag-deploy siya ng mga SWAT team sa NAIA Terminal 3, VIP parking matapos na maglabasan sa kanilang mga sasakyan ang mga armadong kalalakihan.

Ayon kay Airport Police Department Bong Sanchez, may MOA ang sino mang awtoridad na papasok sa NAIA complex na magkaroon ng coordination sa airport security ‘pag sila ay papasok lalo na’t armado sila.

Naayos lang umano ang gusot nang humingi ng paumanhin ang NBI agent na pawang naka-assign sa Manila International Airport.

Ang lalaki na tinuturing na person of interest sa kaso ni Lapid ay nasa pagitan ng edad 35 hanggang 50, nakasuot ito ng helmet at bullet proof nang dumating ito sa NAIA Terminal 3, mula sa Puerto Princesa at agad na sinakay sa NBI coaster. (Abante Staff)

The post Person of interest sa pagpatay kay Percy Lapid hawak na ng NBI first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT