Wala umanong suspected case ng monkeypox sa bansa magmula pa noong Agosto, ito ay ayon sa Department of Health (DOH).

“Right now, our suspect cases for this month are at zero. None of those submitted fit the criteria,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ang pang-apat umano na kaso ng monkeypox sa bansa ay na-discharge na noong Setyembre 15 pa. Mayroon naman umanong napabalitang 20 na suspected monkeypox cases noong Agosto ngunit ang lahat ng test results nito ay negative.

Ilan sa mga sintomas ng monkeypox ay pagkakaroon ng lagnat, pagsakit ng ulo, rashes na mukhang tigyawat ngunit masakit o makati at pananakit ng katawan.

Tinuturing naman ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox bilang ‘public health emergency of international concern’. Ito ay mahigpit na pag-iingat lamang lalo na’t natuto na ang lahat noong dumating ang COVID-19 kung saan buong mundo ay nabigla at gumuho ang ekonomiya dahil sa epekto ng COVID.

The post Pilipinas ligtas sa monkeypox first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT