Dadagdagan ng pinakamalaking kumpanya sa Thailand ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ng mga opisyal ng CP Group sa ginanap na dinner meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ng gabi sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Press Secretary Officer-in-Charge Cheloy Garafil, kabilang sa bubuhusan ng puhunan ng CP Group sa bansa ay sa sektor ng agrikultura partikular sa aquaculture, palay at swine production.

“Thai conglomerate CP Group has pledged to make additional investments in the Philippines in aquaculture, rice, and swine production. CP Group officials expressed interest in collaborating with the Philippines in swine, rice, corn and aquaculture, as well as the development of the value chain of those industries to link them to local consumers,” ani Garafil.

Ang CG Group ay mayroong dalawang bilyong dolyar na pamumuhunan sa bansa, kabilang dito ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC), subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Company Limited (CPF) na nagrerenta ng feeds mill sa Guiguinto, Bulacan at pinalawak pa sa aquaculture at agro-business.

Nagtatag din ang nabanggit na kumpanya ng fish at hatchery farm sa Bataan na isa sa pinaka-modernong aquaculture feed mills.

Nangako naman si Pangulong Marcos na mas pagagandahin pa ang aquaculture industry sa bansa na malaking bagay para maabot ang target na kasiguruhan sa pagkain lalo na sa supply ng isda.

“I think the timing is correct. There are many opportunities. I suppose the most important thing is that we are able to forecast a little bit, which direction the economy is going and how we in the Philippines or any other country position themselves to take full advantage of the new post-pandemic global economy,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang pulong sa mga Thai businessmen na nakasalalay sa private at public partnership ang pagbabago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil ito solong magagawa ng kanyang gobyerno kung walang tulong ang pribadong sektor.

“The economic transformation of the Philippines, the centerpiece is our private and public partnership, and this is something we feel we will need to encourage for the simple reason that it cannot be done just by the government.

It’s something that we need to encourage to gain that synergy that we are all looking for as we find our way in the new economy,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Pinakamalaking kumpanya sa Thailand magdadagdag ng puhunan sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT