Paiigtingin ng Pilipinas at China ang pagtutulungan at palitan ng kaalaman sa larangan ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura at people-to-people connections.

Ito ang ilan sa mga natalakay sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Office of the Press Secretary, tinalakay ng dalawang lider kung paano palalakasin at palalawakin ang ugnayan at pagtutulungan sa agrikultura para masiguro ang seguridad sa pagkain, gayundin sa imprastraktura para sa mas marami pang proyekto.

Nagkasundo sina Pangulong Marcos Jr. at President Xi na sundan pa ang kanilang pag-uusap upang matalakay ang mga isyung may kinalaman sa Pilipinas at China.

Personal din na ipinaabot ni President Xi ang pagbati sa Pangulo sa pagkapanalo nito bilang Presidente.

“The two leaders discussed strengthening and expanding the Philippines-China relationship particularly in the areas of agriculture, energy, infrastructure and people-to-people connections. Marcos and Xi earlier agreed to hold further bilateral talks to have a more comprehensive discussion of issues after the latter congratulated the Philippine leader for winning the polls in May,” saad ng OPS. (Aileen Taliping)

The post Pinas at China nagkasundong paiigtingin ang tulungan sa agrikultura, enerhiya first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT