Isang pari ang nagbigay ng sculpture kay Pope Francis sa pagbisita nito sa Vatican.

Inabot ni Fr. Flavie Villanueva ang ‘Kristo sa Kariton’ na sculpture kay Pope Francis.

Ito’y nangyari noong November 16 sa weekly audience ng Santo Papa sa St. Peter’s Square.

Si Fr. Villanueva ay ang nagpapaptakbo ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, na tumutulong sa mga mahihirap na pamilya.

Nakatutok din ang AJ Kalinga Foundation Inc. sa mga pamilya ng mga nabiktima ng ‘war on drugs’ ng nagdaang administrasyon.

The post Pope Francis niregaluhan ng Pinoy-made sculpture first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT