Namahagi ng tulong ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong ‘Paeng’.

Nagpadala na ng ayuda ang PPA sa Batangas, kung saan isa ang Batangas sa hinagupit ni ‘Paeng’.

“Handa ang PPA na tugunan sa abot ng makakaya ang pangangailangan ng mga nasalanta ni Paeng. Mahalagang madala agad ang tulong ng pamahalaan sa mga nangangailangan kaya sinisikap po nating umayuda sa mga imprastrakturang nasalanta ng bagyo.” ayon kay Atty. Jay Daniel Santiago, General Manager ng PPA.

Dagdag pa rito, nakipagtulungan na rin ang PPA kay Senadora Imee Marcos para sa mabilis na tulong sa mga nasalanta. (CS)

The post PPA namahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong ‘Paeng’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT