Pumalo sa 27% ang itinaas ng noche buena products ngayong taon. Ito ay base sa inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga mamimili at retailer sa pagbili ng mga noche buena products katulad na lamang ng all-purpose cream, tomato sauce, spaghetti sauce, elbow macaroni, pasta ng spaghetti, queso de bola, fruit cocktail at ham.

Sa 223 na produkto na nakasaad sa price guide, 195 na dito ang tumaas ang presyo. Sa 195 na produkto, 94 dito ang tumaas sa higit 10%, nasa 51 naman ang nakitaan ng pagtaas ng presyo mula 6% hanggang 10% at nasa 50 produkto naman ang tumaas mula 1% hanggang 5%.

Paniguradong kailangan muli mag-budget ng ating mga kababayan lalo na’t paparating na ang pasko at patuloy pa rin ang pagsirit ng presyo ng ilang produkto na ihahanda para sa kapaskuhan. Hindi makakailang mataas ang presyo ng mga bilihin lalo na ngayong taon kung saan patuloy ang pagsipa ng inflation sa bansa.

The post Presyo ng noche buena products, sumirit first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT