Isang pulis ang natagpuan na walang buhay sa Sibonga, southern Cebu. Ang katawan ay natagpuan sa loob ng barracks sa kampo ng Regional Mobile Force Battalion – Central Visayas (RMFB-7) sa Brgy. Bahay, Sibonga.

Ang lalaking biktima ay 32 taong gulang at residente ng Tanjay, Negros Oriental. Isa itong police non-commissioned officer (PNCO).

Natagpuan ang katawan na naliligo sa dugo bandang alas-singko ng hapon. May tama umano ng bala sa ulo ang biktima at hawak pa ang kaniyang service firearm.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente. (CS)

The post Pulis natagpuang patay sa barracks first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT