Ang panukalang P5.268 trilyong budget para sa 2023 ay isusunod umano sa 8-point socio-economic agenda ng administrasyong Marcos.

Ito ang sinabi ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na siyang nanguna sa mga kongresista na ipinadala sa Bicameral Conference Committee na tatalakay sa panukalang budget.

“Ito ang magiging guide post namin sa pag-finalize ng budget,” sabi ni Co sa pagpupulong na ginanap sa Manila Golf Club sa Makati City ngayong Biyernes.

Sinabi ni Co na pinagtibay ng Kamara at Senado ang Medium-term Fiscal Framework kung saan nakapaloob ang 8-point agenda ng administrasyon.

“In the end, the final version will be one that best supports the President’s 8-point socio-economic agenda. We envision the final version as a budget that creates jobs, keeps the macroeconomy stable, and helps keep inflation within a manageable range,” dagdag ni Co.

Pareho umano ang layunin ng dalawang kapulungan na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at maging maganda ang hinaharap ng bansa.

“The General Appropriations Bill is consistent with the action plan of this administration in addressing the rising inflation driven by internal and external factors, socioeconomic scarring, and low income. We are still on the path of recovery from the lingering effect of the COVID-19 pandemic. Admittedly, this pandemic transformed each of us in the way we think and create solutions to existing economic problems. The policy choices that we will make in this budget will determine the success of our effort to transition from the impact of this pandemic,” giit ni Co.

Kumpiyansa rin si Co na ang unang budget ng Marcos administration ay maipapasa sa oras o bago mag-Pasko. (Billy Begas)

The post Rep. Co: P5.268 trilyon budget ililinya sa 8-pt agenda ng Marcos admin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT