Hindi natinag si presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa pagsagot sa tanong kaugnay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nakapanayam si Marcos ang mga mamamahayag sa Ilocos Norte kamakailan at isa sa mga reporter ang nagtanong ng kanyang opinyon kaugnay ng pagtaas ng inflation rate.
Sagot ni Marcos: “Baka mag-viral na naman tayo” na nagpangiti sa mga tao sa lugar.
Ang tinutukoy ni Marcos ay ang kanyang pag-viral sa social media dahil sa kanyang sagot na: “The peso is not weak, because the peso is weak. The peso is weak because the dollar is strong,”
Sinabi ni Marcos na inaasahan na ang pagtaas ng inflation rate at tiniyak nito na mayroong ginawa ang gobyerno upang matugunan ito.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation rate noong Oktobre ay 7.7%, ang pinakamataas sa nakalipas na 14 taon.
“Like I said in my last interview, the government is trying to be self-sustainable in terms of agriculture and production that would hopefully cut down imports and make the rises in price more palatable,” dagdag pa ng kongresista.
Ang pagtaas umano ng inflation rate ay dala ng kakulangan sa suplay o mataas na demand.
Ipinunto ni Marcos na hindi lang ito nangyayari sa Pilipinas.
“So it’s really a global phenomenon. That’s not to say we shouldn’t be doing anything about it. So rest assured, the national government–I think (Secretary) Ben Diokno of the DOF (Department of Finance) just made an announcement as to the programs they would be pursuing to be able to ease the burden of the rise in prices,” dagdag pa nito.
May narinig din umano ang solon kaugnay ng planong itaas ang interest rate sa bansa upang mapababa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. (Billy Begas)
The post Sandro Marcos tinanong sa inflation: ‘Baka mag-viral na naman tayo’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento