Los Angeles – Makukulong ng 17 at kalahating taon ang dating actor at atleta na si David Bunevacz matapos sentensyahan ito ng US District Court sa Los Angeles sa California para sa kasong pambubudol sa sa pekeng Cannabis company na pinondahan ng kanyang mga investor.

Batay sa record ng korte ginamit ni Bunevacz ang mahigit 40 milyong dolyar na investment ng kanyang mga investor para suportahan ang luho nito.

Nilustay ng aktor ang pera para bumili ng mansyon sa Calabasas sa California, pagbili ng mamahaling gamit tulad ng mga signature bags.

Ginamit din nito ang pera para kanyang biyahe at pag lalaro ng casino sa Las Vegas at party para sa kanyang pamilya.

Bukod sa 17 at kalahating taon na pagkakakulong ay pinagbabayad din ng korte si Bunevacz ng 35 milyong dolyar para bayaran ang mga naloko nito.

Binasura ng korte ang hirit ng abogado ni Bunevacz na pababain ang sentensya nito dahil sa kondisyon ng kalusugan ng aktor.

Napababa na ang dapat sana’y 40 taong pagkakakulong nito matapos na pumasok ito sa Isang plea agreement noong July 2022 kung saan naghain ito ng Guilty plea para sa kasong wire at security fraud.

April 2022 nang arestuhin ang aktor na under probation dahil sa kanyang conviction sa pang bubudol rin sa isang biktima noong 2017.

Si Philippine Decathlete David Bunvecaz ay nagdala ng karangalan sa bansa noong 1997 matapos na masungkit nito Gold Medal sa Southeast Asian games sa larangan na Javelin throw.

Nakatakdang dalhin sa California State prison Bunevacz para bunuin ang kanyang sentensya. (Dave Llavanes)

The post Suka pa ng US$35M! David Bunevacz 17 taon kalaboso sa pambubudol first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT