Nasawi ang isang sundalo matapos umatake ang mga rebelde sa Maguindanao del Sur nitong Biyernes.

Kinilala ang namatay na si Private First Class Jomar Saladar, habang sugatan ang dalawa nitong kasama na sina Private Carl AraƱa at Sgt. Allan Estanda.

Naka-duty ang mga sundalo ng 40th Infantry Batallion sa isang tulay sa Brgy. Labulabu II. Ang tulay ay kinukumpuni matapos itong masira dahil sa bagyong Paeng.

Dito biglang nagpaputok ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters dahilan para gumanti ang mga sundalo.

Tumagal ng lampas isang oras ang engkwentro kung saan nasawi si Saladar.

The post Sundalo dedo sa ambush ng rebelde first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT