Sumiklab ang isang sunog sa Brgy. Looc, Mandaue City, Cebu kung saan nag-iwan ito ng nasa 700 na pamilyang naapektuhan. Tinataya naman na nasa 250 na kabahayan ang nasunog.

Isang bumbero naman at dalawang residente ang nagtamo ng mga paso sa kanilang katawan dahil sa pagresponde sa sunog. Ang isang bumbero ay nagtamo ng first degree burns sa kaniyang balikat, ang isa naman sa mga residente ay nagtamo ng paso sa likuran nito at ang isa naman ay nagtamo ng second degree burns sa kaniyang braso.

Nai-report umano ang sunog bandang alas-11 ng gabi at idineklarang napatay na ang sunog bandang alas-dos ng madaling araw.

Sa kasalukuyan, ang mga nasunugan ay namamalagi muna sa Mandaue City Central School kung saan nakatayo ang mga tents na maaaring tulugan ng mga naapektuhang residente.

Ipinadala naman sa paaralan ang isang mobile kitchen upang magbigay ng pagkain at namahagi rin ito ng disaster kits at food packs.

The post Sunog sumiklab sa Mandaue City, Cebu first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT