Ipinatupad ng Philippine Ports Authority (PPA) ang “no tree planting, no permit to operate” sa bawat kukuha ng permit, lisensya at kontrata, kasama na ang mga kontraktor nito.

Kailangang magtanim ng hindi bababa sa 1,000 seedlings ng puno o mangroves upang makakuha ng permit, lisensya at kontrata.

Matatandaang matapos makita ang epekto ng bagyong Paeng, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na dapat mas paigtingin ang tree planting sa buong bansa upang maiwasan ang matinding mga pagbaha.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, target nitong palakasin pa ang tree planting initiatives ng PPA na sinimulan nito dalawang taon na ang nakararaan.

“Bilang tugon sa panawagan ng ating Pangulong BBM na magsagawa ng tree planting activities, lalo pang paiigtingin ng PPA ang tree planting initiative nito sa ilalim ng PPA Administrative Order 14-2020,” ani Santiago. (IS)

The post Tanim puno bago permit ikinasa ng PPA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT