Mas mainam umano kung ang Office of the President (OP) ang direktang magpaliwanag sa tao ng bilyong confidential at intelligence funds (CIF) hinihingi nito sa ilalim ng panukalang 2023 national budget, ayon kay Senador Raffy Tulfo.

“They have to explain that to the people,” pahayag ni Tulfo sa panayam sa ANC.

“Mas maganda kung manggagaling sa kanila to explain directly to the people, to the media, kung bakit the big amount that they’re requesting is justifiable para maging confidential funds for a certain year,” dagdag pa niya.

Nauna nang kinuwesityon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang P4.5 bilyong confidential at intelligence funds ng OP dahil may mga ahensiya naman ng gobyerno na may mandato na mangalap ng mga confidential

Para sa taon 2023, may P9.3 bilyong CIF na nakalaan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang P500 milyon para sa Office of the President, P150 milyon sa Department of Education at P19.2 bilyon para sa Office of the Solicitor General.

Ang mga nabanggit na ahensiya ay walang inilaang CIF sa ilalim ng kasalukuyang national budget.

Bagama’t hindi pabor si Tulfo sa pagkakaroon ng CIF sa DepEd, sinabi nitong ang pondong ito ay maaring magamit para tugisin ang mga nagbebenta ng iligal na droga malapit sa mga paaralan. (Dindo Matining)

The post Tulfo sa Palasyo: Confidential, intel funds ipaliwanag sa publiko first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT