Dadayo sa bansa si US Vice-President Kamala Harris, layon ng pagbisita ni Harris ay mapuntahan ang Palawan at mapagusapan ang mga hakbang na ginawa ng China sa South China Sea, kung saan patuloy ang pagsakop ng China dito at sa katunayan ay nakapagpatayo na ng iba’t ibang konstruksyon dito.

Inaasahan na makakasalamuha ni Harris sa Palawan ang mga residente, civil society leaders at representative ng Philippine Coast Guard.

Ang pagpunta ni Harris sa Pilipinas ay ang pangalawang beses nitong pagbisita sa isang bansa sa Asia sa loob ng tatlong buwan.

Ayon sa isang eksperto, ang pagbisita umano ni Harris ay positibong aksyon para sa bansa.

“It will be reassuring to the Philippines by sending a clear signal that, even with Ukraine and Taiwan center stage, the United States still recognizes the South China Sea as central to the future of the U.S.-Philippine alliance,” ayon kay South China Sea expert Gregory Poling.

(CS)

The post US Vice-President Kamala Harris bibisita sa Pilipinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT