Inanunsyo ng bagong Twitter head na si Elon Musk na pagbabayarin na ng $8 kada buwan ang mga verified Twitter accounts.

“Power to the people! Blue for $8/month,” saad sa tweet ni Musk.

“This will also give Twitter a revenue stream to reward content creators,” dagdag pa nito.

Matatandaang simula ng opisyal na hawakan ni Musk ang Twitter ay marami na kaagad itong binago, kasama na rito ang pagpapatalsik sa ilang mataas na opisyal ng nasabing social media platform. (CS)

The post Verified Twitter accounts, pagbabayarin na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT