Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paglipat ng aktor na si Vhong Navarro patungo sa Taguig City Jail.

Nitong Setyembre sa kasalukuyang taon, sumuko ang aktor matapos ang kinakaharap nitong kaso na rape at acts of lasciviousness na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo.

Nito lamang nakaraang buwan ay ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang mosyon ni Navarro na patuloy iditine sa pangangalaga ng NBI. Ayon naman sa kampo ni Cornejo, dapat umanong ilagay si Navarro sa Taguig City Jail dahil ang Taguig Regional Trial Court ang naglabas ng warrant para sa aktor.

Matatandaang inakusahan ni Cornejo si Navarro na hinalay umano siya ng aktor noong Enero 2014. Ngunit mariin itong itinanggi ni Navarro at nanindigan na hindi siya nagsisinungaling at pawang katotohanan lamang ang kaniyang mga sinasabi.

(CS)

The post Vhong Navarro ililipat sa Taguig City Jail first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT