Sabay-sabay na naglunsad ng relief operations ang Office of the Vice President’s Disaster Operations Center (OVP-DOC) nitong Biyernes sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Ayon sa pahayag ng OVP-DOC, nakipagtulungan sila sa Philippine Coast Guard (PCG) at mga local government units.

Ito at para maghatid ng mga sako ng bigas, relief goods, bottled water, at damit sa mga apektadong lugar sa Cavite, Maguindanao, Antique, Leyte, Zamboanga City, at Cotabato City.

Samantala, nagpasalamat naman si Bacoor City Mayor Strike Revilla kay VP Sara sa inihatid nitong tulong.

“In behalf of the people of Bacoor, Cavite, nagpapasalamat po kami kay Vice President Sara sa kanyang naitulong. Alam kong marami silang tinutulungan at natutulungan ngayon. Nagpapasalamat po kami sa inyo, ma’am, sa pagtulong sa ating kababayan. Umasa po kayo, ma’am, na nandito lang po kami kapag kailangan niyo po kami,” ani Revilla.

(Sherrylou Nemis)

The post VP Sara nagbigay tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT