Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang Angono, Rizal sa pagpapahalaga nito sa kasaysayan sa kanilang selebrasyon ng Higantes Festival.

“Thank you, Angono, for giving the Filipinos an example of how we can continue to value our history while also bravely marching toward the future,” sabi ni Duterte na dumalo sa pagdiriwang.

Ang Angono ay tinagurian ding Art Capital of the Philippines at bayan ng national artist na si Carlos “Botong” Francisco.

“May the Higantes Festival inspire the rest of the Philippines to help us revive Filipino solidarity through art,” sabi ni Duterte. “Through these colorful and gigantic papier-mâché puppets, our forebears expressed their deep-seated yearning for freedom that planted the seeds and the call for change.”

Sinabi ni Duterte na batay sa mga pag-aaral ang sining ay nakatutulong sa pagiging malikhain ng mga bata kasabay ng pagpapaunlad ng kanilang talento at kakayanan.

“Your celebration is a reminder of how art — as it flows through our history, our culture, our traditions, and our life — binds us together as a people with a common pursuit of a stronger nation,” dagdag pa ni Duterte.

Iginiit din ng kalihim ng Department of Education ang kahalagahan ng edukasyon at ang pangangailangan na mag-invest para sa hinaharap ng mga bata at ang paglayo sa mga ito sa mga masasamang elemento ng lipunan gaya ng mga rebelde. (Billy Begas)

The post VP Sara naki-join sa Higantes Festival first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT