Matapos ang nangyaring pagguho ng lupa sa Ischia, Italy, nakapagtala na ito ng 12 na katao na nasawi.

Ang huli umanong narekober na katawan ay isang 31 taong gulang na babae.

Matatandaang nito lamang nakaraang araw ay inilikas ang nasa 1,000 katao sa lugar ng Ischia dahil sa pagbugso ng malakas na ulan.

Bago pa ang nangyari na ito sa Ischia, nagkaroon naman ng malakas na pag-agos ng putik at bato sa Casamicciola Terme, ito ay dahil sa patuloy na malakas na ulan. Nag-iwan ang nasabing insidente ng 11 na kataong namatay.

Ang mga residente naman sa nasabing lugar ay inilikas muna sa ilang hotels sa Ischia, tumagal ang kanilang pamamalagi doon ng dalawa hanggang tatlong gabi.

The post 12 dedbol sa landslide sa Italy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT