Umabot na sa 13 katao ang namatay dulot ng matinding pag-ulan at pagbaha sa ilang parte ng Visayas at Mindanao, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes.
Matatandaang nasa 8 katao ang namatay nitong nakaraan sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Samantala, 23 katao ang nananatiling nawawala at 6 katao naman ang sugatan sa Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Bangsamoro, dagdag pa ng OCD.
44,282 pamilya o 166,357 indibiduwal na rin ang apektado habang 534 bahay naman ang nawasak.
Lumobo na sa ₱14.58 milyon at ₱61.88 milyon ang halaga nang nasira sa imprastraktura at agrikultura.
24 lugar naman ang naiulat na walang kuryente habang tatlo naman na lugar ang wala pang tubig.
Sa ulat din ng OCD, 15 na daan at 3 tulay ang di pa magamit ng lahat ng sasakyan nitong Martes ng umaga.
Patuloy pa rin ang pagtulong sa mga apektado ng matinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha.
(Jan Terence)
The post 13 patay sa pagbaha sa Visayas at Mindanao first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento