Sumipa na sa 32 ang naitalang kaso ng fireworks-related injury matapos madagdagan ito ng pitong bagong kaso.
“Mula kahapon, Dec. 27, 7 ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” ayon sa Department of Health (DOH).
“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay 32 na mas mataas ng 39 porsyento kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa.” dagdag pa nito.
Kamakailan lang ay nanawagan sa publiko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag nang magpaputok.
“Huwag muna tayong magpaputok. Alam naman natin kung minsan delikado ‘yan lalo ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,”
(CS)
The post 7 bagong kaso ng fireworks-related injury naitala first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento