Pasado na sa Commission on Appointments (CA) committee ang ad interim appointment nina Energy Secretary Raphael Lotilla at Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr.
Matatandaan na dalawang beses na sinuspinde ang deliberasyon ng appointment ni Lotilla dahil sa kakulangan ng oras.
Bago ang maaprubahan, sinabi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, namuno sa pagdinig, na hiniling ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta na ituloy ang deliberasyon sa susunod na taon.
Subalit kinausap nina Legarda at ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Marcoleta at iba pang kasapi ng Kamara para ituloy na ang kumpirmasyon ni Lotilla.
Samantala, hindi naman dumaan sa butas ng karayom ang deliberasyon ng appointment ni Solidum at agad na inaprubahan ng komite.
Si Solidum, isang career government official, ay itinalaga sa DOST ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto 2022.
Bago sa kaniyang appointment, si Solidum ay nagsilbing DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation (DRR-CCA), at Undersecretary for Scientific and Technical Services. (Dindo Matining)
The post Appointment nina Lotilla, Solidum lusot sa Senate panel first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento