Naghain ng panukala si dating Pangulo at incumbent Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo para sa pagtatayo ng hiwalay na kulungan para sa mga convicted heinous criminal.

Sa House Bill 2626, sinabi ni Arroyo na ang panukalang Heinous Crimes Facility ay itatayo sa lokasyon na matutukoy na angkop ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) at kung maaari ay ilalagay ito sa loob ng military establishment o isla na hiwalay na mainland.

Nakasaad sa panukala na tatlong pasilidad ang itatayo, tig-isa sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“The proposed measure will strengthen the country’s fight against drug crimes and other heinous crimes,” sabi ni Arroyo sa panukala.

Ang kakailanganing pondo ay kukunin sa budget ng DOJ at isasama sa General Appropriations Act. (Billy Begas)

The post Arroyo isinulong hiwalay na kulungan sa nakagawa ng karumal-dumal na krimen first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT