Madami ang naaliw sa Facebook post ni Daphne Oliveros kung saan ibinahagi nito ang makatotohanan na mga ganap tuwing christmas party at ang inaabangan ng lahat na mabunot sa isang raffle.

“Christmas party scenario be like” saad sa caption ni Oliveros.

Makikita sa unang larawan na pormang-porma pa ang dalaga ngunit pagdating sa susunod na larawan naman ay makikitang tila pagod na ito ngunit may hawak naman ito na kahon ng electric fan.

Bentang-benta naman ang post sa mga netizen.

“very realistic tayooo ! HAHAAAHA”

“Fashion went down from 100 to 10 real quick after an event.”

“Sana ol may electric fan pag uwi”

“Oh dibaHAHAHAHAHHAHA ATLEAST NANALO SA RAFFLE”

(CS)

The post Awra now, buhat later! Ganap sa christmas party ng isang netizen kinagiliwan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT