Nakapagbuo umano ng $23.6 bilyon na investment pledges ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa.

Ito ay ang mga bansa ng Indonesia, Singapore, US, Cambodia, and Thailand.

Hindi pa umano kasama sa report ang pagbisita ng Pangulo sa Belgium.

Matatandaang inanunsyo ng Pangulo na naging matagumpay ang biyahe nito sa Belgium.

Dagdag pa rito, sa kabuuan umano ay naging matagumpay ang Europe trip ng Pangulo at ang naging problema lamang ay ang kaniyang pamamaos at halos mawalan ng boses dahil sa malamig na klima sa Belgium.

(CS)

The post Bilyon-bilyong halaga ng investment pledges nahakot ni PBBM first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT