Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes upang taasan ang buwis na ipinapataw sa mga nakatiwangwang na lupang sakahan.
Mula sa kasalukuyang 5%, itataas ng House Bill 2075 na akda ni Tarlac Rep. Jaime Eduardo Marc Cojuangco ang idle land tax sa 20%.
Ayon kay Cojuangco ang kaniyang panukala ay nakalinya sa pagnanais ng gobyerno na maitaas ang produksyon ng pagkain sa bansa.
“The objective of the proposed measure is to encourage landowners to put their idle lands into productive use, contribute to the country’s economic development, as well as to help protect the environment. It will also enable the local government units to generate additional revenues they can use in the delivery of basic services to their constituents,” sabi ni Cojuangco sa explanatory note ng panukala.
Aamyendahan ng HB 2075 ang Local Government Code (Republic Act 7160).
Sa ilalim ng panukala, 50% ng kita mula sa buwis sa nakatiwangwang na lupa ay mapupunta sa special agricultural development fund ng siyudad o munisipyo na nakakasakop sa lupa.
Ang pondo ay gagamitin upang pondohan ang mga agricultural o agri-business development project ng nakakasakop na lokal na pamahalaan. (Billy Begas)
The post Buwis sa nakatiwangwang na lupa pinatataasan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento