Mismong si disqualified Cagayan Governor Manuel Mamba ang nagpahamak sa sarili niya para mawala sa puwesto.

Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa kanyang weekend television program kaugnay sa pag-disqualify ng Commission on Elections (Comelec) kay Mamba dahil sa paglabag sa election ban sa paggamit ng public funds sa panahon ng kampanya sa eleksiyon.

Ayon kay Enrile, ang gobernador mismo ang nagbigay ng ebidensiya para ma-disqualify dahil inamin nito na namigay siya ng pera sa probinsiya kahit may election ban.

“Nabasa ko yung desisyon ng second division at sigurado akong tama yung desisyon na yon. Mismong yung gobernador Mamba, siya mismo ang nagbigay ng ebidensiya para ikulong siya, madisqualify siya.Inamin niya, yung tinatawag namin sa law of evidence admission against inretest. Tinanggap niya na nagbigay siya ng pera ng probinsiya doon sa period of election ban that was why he was disqualified,” ani Enrile.

Hindi lamang aniya disqualification ang kakaharapin ni Mamba dahil nakagawa siya ng krimen sa ilalim ng election law kaya sasampahan din iot ng criminal case sa ilalim ng election code.

“But apart from that, he committed crimes ,violation of the election law kaya kakasuhan siya maliban sa he disqualified, kakasuhan pa siya ng criminal case under the election code sapagkat siya mismo ang nagbigay ng ebidensiya,” dagdag ni Enrile.

Sinabi ng kalihim na nakapagtatakang hindi alam ng abugado ng gobernador ang rule of evidence at inamin ang pamimigay ng pondo habang mayroong election ban .

Dahil dito, sinabi ni Enrile na lumalabas na walang kalaban si Zarah Rose Lara na siyang nagsampa ng disqualification ni Mamba kaya ito ang uupong gobernador ng Cagayan.

“Ewan ko kung sino yung abugado niya na gumawa ng pleadings na hindi niya nalaman yung rule ng evidence na yun.Walang kalaban si Lara, siya lang ang kandidato so siya ang uupong gobernandor. He was not a candidate, he disqualified himself,” wika ni Enrile. (Aileen Taliping)

The post Cagayan Gov. Mamba ipinahamak ang sarili – Enrile first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT