Nasawi ang isang construction worker matapos na ito ay matabunan ng gumuhong lupa habang ito ay nasa ilalim ng hinukay na foundation ng isang itatayong istraktura sa isang private resort club sa Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Tumagal ng mahigit na apat na oras bago narekober ang wala nang buhay na katawan ng biktimang si Francis Ortiz, 33 anyos, residente ng Sitio Sisa, Brgy. Wawa sa nasabing bayan.

Ayon sa report ng Nasugbu police, nasa ilalim ng nasa 20 feet na excavated foundation ang biktima sa construction site sa Terrazas de Fuego resort nang bigla itong gumuho dakong alas-4:30 ng hapon nitong Miyerkoles.

Buong-buo natabunan ng makapal na lupa ang biktima.

Agad nagsagawa ng retrieval operation ang mga tauhan ng Nasugbu BFP at MDRRMO subalit patay na ang biktima nang maiahon dakong alas-9 ng gabi.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam kung sino ang may responsibilidad sa insidente. (Ylou Dagos)

The post Construction worker natabunan nang buhay sa resort first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT