Sumakabilang-buhay na ang founding chair ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison.

Siya ay edad 83.

Ayon kay CPP chief information officer Marco Valbuena, nasawi si Joma matapos ang dalawang linggo na pagka-confine sa ospital.

Nasawi si Sison nitong Biyernes sa Netherlands, bandang alas-8:30 ng gabi, oras naman sa Pilipinas.

Nilarawan ng CPP si Sison bilang ‘patriot, internationalist and revolutionary leader’.

“Even as we mourn, we vow continue to give all our strength and determination to carry the revolution forward guided by the memory and teachings of the people’s beloved Ka Joma,” ayon pa sa pahayag ng CPP.

Si Sison ay ikinulong noong 1977 bago ito makakuha ng political asylum sa Netherlands noong 1986.

The post CPP founder Joma Sison pumanaw na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT