Gaya ng inaasahan, pinutakti ng aberya ang unang araw ng pagpaparehistro ng SIM card sa bansa.

Inireklamo ng mga subscriber ang agad pag-down ng server ng mga telco company pagpatak pa lamang ng alas-12 ng hatinggabi nitong Disyembre 27.

Ayon sa advisory ng Smart, “Due to the high volume of registrants, some subscribers may experience difficulty accessing the SIM registration site. Our technical team is working on increasing capacity. Thank you.”

Saad naman ng Globe, “Thank you for taking the first steps to register your SIM! Should you encounter difficulty accessing the site, please try again later. Rest assured that we are optimizing our systems to give you a better registration experience so you can.”

Kahapon, Disyembre 26 tiniyak ng mga telecommunications firm sa bansa na handa na sila para sa pagpapatupad ng SIM Card Registration Act, ayon sa National Telecommunications Commission.

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas noong Oktubre 10 upang mapuksa ang text scam at iba pang panloloko gamit ang cellphone.

Mayroong 180 araw ang mga subscriber para iparehisro ang kanilang SIM simula ngayong December 27, alinsunod sa SIM Registration Law.

Narito ang comment ng ilang netizens. (IS)

The post Day 1 ng SIM registration, aberya agad first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT