Sumirit ang bilang ng nasawi dahil sa mga pag-ulan at pagbaha nitong Pasko dulot ng shear line.

Mula sa 13 ay umakyat na sa 25 ang death toll, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Miyerkoles, Disyembre 28.

Samantala, 26 pang indibiduwal ang nawawala habang siyam ang sugatan dahil sa pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Visayas, Mindanao at Southern Luzon.

Karamihan ng nasawi ay iniulat sa Northern Mindanao sa 16.

Lima naman ang iniulat sa Bicol region at tig-dalawa sa Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.

Pumalo naman sa mahigit P63 milyon ang pinsala nito sa agrikultura habang mahigit P2 milyon sa imprastraktura. (IS)

The post Dedo sa pag-ulan nitong Pasko, pumalo sa 25 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT