Nanawagan si Finance Secretary Benjamin Diokno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sertipikahang “urgent” ang House Bill 6608, na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Diokno, ang nasabing panukalang batas ay pangsuporta sa pagsisikap ng administrasyon na lumikha ng trabaho, pagsulong sa kalakalan at pamumuhunan, pagpapaunlad ng imprastraktura, at pagtugon sa seguridad sa enerhiya at pagkain.

Sinagot din ng Finance chief ang mga alalahanin ng publiko tungkol sa transparency nito, at sinabing may kukuning internal auditor, na isang auditing company na kinikilala sa buong mundo, at mga state auditor upang matiyak na ang planned investment trust ay nakasunod sa matataas na pamantayan ng transparency at pananagutan.

Dagdag niya, ang MIF ay pamamahalaan ng isang independent entity na tatawaging Maharlika Investments Corporation.

Sa pamamagitan ng presidential certification, mapapabilis ng Kongreso ang pag-apruba sa panukalang batas. (IS)

The post Diokno pinasesertipikahang ‘urgent’ ang Maharlika Fund first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT