Wala pa umanong malinaw na mastermind sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

“We will point to the mastermind basta may ebidensya tayo. Kasi ebidensya din lahat ‘yan. We cannot just put blame on people na wala tayong ebidensya,” pahayag ni Remulla sa panayam sa DZBB nitong Martes.

Dagdag niya, naniniwala siyang natanggap na ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero ang sinapit ng mga ito.

“Ang hinahanap talaga nila justice. Katarungan. Alam ko naman natanggap na nila na ganoon nga. Gusto lang nila magkaroon ng katahimikan at magkaroon ng hustisya ‘yung buhay ng mga taong nawawala,” dagdag ng Justice chief.

Iniulat na pinakamarami ang nawawalang sabungero sa Laguna na umabot sa 19, anim sa Maynila, anim sa Batangas, dalawa sa Bulacan at isa ang dinukot sa kanyang bahay sa San Pablo, Laguna.

Nitong Disyembre, tiniyak ni Remulla sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na umuusad ang imbestigasyon sa mga missing sabungero.

Aniya, hindi sindikato pero may grupo umanong nasa likod ng pagkawala ng higit 30 sabungero.

The post DOJ nganga pa sa mastermind sa mga missing sabungero first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT