Umaasa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magwawakas na ang insurhensiya sa bansa sa pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Sa kanyang statement nitong Sabado, nagpahayag ng pakikiramay si Duterte sa pamilya ni Sison, at sinabing ipinagdarasal niya ang kapayapaan sa bansa.

“While Mr. Sison and I have had many disagreements—especially in the ways in which he chose to pursue and effect change in the country—I would like to believe that, at the end of the day, we shared the same dream of creating a better future for every Filipino,” pahayag ng dating presidente.

“His death certainly marks the end of an era, and it is my hope that, with it, the end of insurgencies in the Philippines and the revolutionary movement that he has founded as well,” patuloy niya.

Ayon sa ulat, pumanaw si Sison kagabi, Disyembre 17 matapos ang dalawang linggong pagkaka-confine sa ospital.

Itinatag ni Sison ang revolutionary organization na CPP noong Disyembre 1968.

Isa siyang aktibista at nag-self-exile sa Netherlands mula noong 1987. (IS)

The post Duterte sa pagkamatay ni Joma Sison, umaasang magwawakas rebelyon sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT