Pinangunahan ng estudyante mula sa University of the Philippines – Los Baños (UPLB) at Visayas State University – Baybay ang 2022 Agriculturist Licensure Examination.

Si Rio Sergote Antion mula sa UPLB ay nakakuha ng 86.83 na rating at si Naomi Grace Manzano Lancita na mula sa Visayas State University – Baybay ay nakakuha rin ng 86.83 na rating.

Nasa ikalawang pwesto naman si Jose Paolo Mancao Echavez mula sa Silliman University na may 86.33 na rating at si Gino Redulfin Taboy mula sa Central Luzon State University na may 86.33 na rating din.

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na nasa 4,035 ang nakapasa ng Agriculturist Licensure Examination mula sa 11,673 na aplikante.

The post Estudyante mula sa UPLB at Visayas State University, nakuha ang top spot sa Agriculturist Licensure Examination first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT