Nagpasya si French President Emmanuel Macron na gawing libre ang condoms sa France para sa mga may edad na 18 hanggang 25 taong gulang, ito ay upang mapigilan ang pagdami ng mga kabataang nabubuntis.

Napansin naman ng ilang health authorities ang pagtigil ng ilang kababaihan sa paggamit ng contraception pagdating sa edad na 18. Ilang bansa naman sa Europe ang nagpatupad na ng libreng contraceptions para sa mga kabataan, ito ay ang mga bansa ng Belgium, Germany, the Netherlands at Norway.

Dagdag pa ni Macron, ang sexual health umano ng mga kabataan ay isang seryosong isyu.

“We must do it in schools, we must multiply our efforts and we will do it,” ayon kay Macron.

The post France mamahagi ng libreng condoms first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT