Patay ang isang guro na naka-confine sa ospital matapos umanong tumalon mula sa ikatlong palapag ng pagamutan sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, tumalon mula sa bintana ang guro.

Inihayag umano ng bantay ng pasyente na nakaramdan ito ng matinding pananakit ng tiyan kaya agad na pumunta sa nursing station upang magpatulong.

Pagbalik umano niya ng kuwarto kasama ang nurse ay naka-lock na ito.

Agad silang kumuha ng susi at nang mabuksan nila ang pinto ay nakatalon na umano ang pasyente sa bintana ng kuwarto na nasa ikatlong palapag ng ospital.

Ang nasabing pasyente ay isang guro umano mula sa Buhi, Camarines Sur. (IS)

The post Guro tumalon sa ika-3 palapag ng ospital first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT